Mga ayos ng pangungusap
May dalawang ayos ang pangungusap:karaniwan at di-karaniwan. Kung ang panaguri ay nauuna kaysa simuno, ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos; at kung ang simuno naman ang nauuna kaysa sa panaguri, ang pangungusap ay nasa di-karaniwan ayos. Ang panandang "ay" ay kadalasang makikita sa mga pangungusap na nasa di karaniwang ayos.
- Karaniwan/ganap - Nagsisimula sa Panaguri at Nagtatapos sa simuno.
Halimbawa: Bumili ng bagong sasakyan si Juan.
- Di- Karaniwan - Nagsisimula sa Simuno at Nagtatapos sa Panaguri.
Halimbawa: Si Juan ay bumili ng bagong sasakyan.
Ayon sa gamit[baguhin | baguhin ang batayan]
Maiuuri rin ang pangungusap bilang pasalaysay o paturol, patanong, pautos at padamdam:
- Pasalaysay o Paturol: Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi itong nagtatapos sa tuldok(.) oo o hindi
- Patanong: Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari, at tandang pananong(?) ang bantas sa hulihan nito.
- Pautos: Ito ay uri ng pangungusap kung saan ay nakikiusap o nag uutos ito.
- Padamdam: Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa,pagkagulat, paghanga, panghihinayang at iba pa.
Source:http://tl.wikipedia.org/wiki/Pangungusap
This comment has been removed by the author.
ReplyDelete